# | dan | fil |
---|
1 | Deklaration om Internetfrihed | Deklarasyon ng Kalayaan ng Internet |
2 | (Alle links i dette indlæg er på engelsk) | |
3 | Som mange har nok observeret, er verden nået til et afgørende øjeblik, når det gælder ytringsfrihed på Internettet. | Batid ng karamihan na nahaharap ang mundo sa mga mahahalagang sandali patungkol sa usaping kalayaan sa internet. |
4 | I mange lande rundt om i verden er nye love, der har til formål at censurere Internettet, ved at blive formet, alt imens presset på bloggere, der ytrer sig offentligt, vokser sig større. | Sa iba't ibang bansa, may mga bagong batas na ipinapatupad na humaharang sa paggamit ng internet, habang dumarami naman ang bilang ng mga blogger na nalalagay sa panganib [en] dahil sa pagpapapahayag ng sariling pananaw. |
5 | I løbet af det sidste år har organisationer rundt om i hele verden allieret sig med hinanden i en uhørt grad for at stå stærkere i kampen for at bevare ytringsfriheden på Internettet. | Sa nakalipas na taon, saksi tayo sa pagsasama-sama ng mga organisasyon mula sa bawat parte ng mundo upang ipaglaban ang ating kalayaan sa internet. |
6 | Med kampen mod SOPA og PIPA i USA og den globale indsats, der forkastede ACTA-aftalen, har vi opdyrket en tidsånd med frihed og åbenhed på Internettet. | Mula sa maigting na pagtutol sa SOPA at PIPA sa Estados Unidos hanggang sa pandaigdigang pagkilos upang labanan ang Anti-Counterfeiting Trade Agreement (ACTA), nakamit natin ang diwa ng pagiging malaya at bukas ng internet. |
7 | Med det i tankerne, gik et antal grupper for nylig sammen om at skabe en Deklaration om frihed på Internettet. Global Voices Advocacy var blandt de de første til at skrive under på deklarationen. | Dahil sa mga pangyayaring ito, nagtipon-tipon ang ilang pangkat upang pasinayaan ang Deklarasyon ng Kalayaan ng Internet [en], kung saan ang Global Voices Advocacy ay bahagi ng mga naunang lumagda. |
8 | Til dags dato har over 1300 organisationer og virksomheder skrevet under på Deklarationen, og antallet stiger stadig. Nedenunder kan du læse Deklarationen i den originale udformning. | Sa kasalukuyan, higit sa 1300 mga organisasyon at kompanya ang pumirma na sa naturang kasunduan at patuloy na nadadagdagan ang kanilang bilang. |
9 | Du kan skrive under på Deklarationen her. Du kan også få et indblik i arbejdet med internetfrihed igennem talrige organisationer heriblandt EFF, Free Press, Access - selv Cheezburger. | Maaari ka ring lumagda sa Deklarasyon sa pahinang ito [en]; maaari mo rin itong ipalaganap sa tulong ng iba't ibang organisasyon, gaya ng sa EFF [en], Access [en], at kahit sa Cheezburger [en]. |
10 | Vi tror på, at et frit og åbent Internet bidrager til en bedre verden. | Naniniwala kami na lilikha ng mas mabuting mundo ang isang malaya at bukas na Internet. |
11 | For at bevare et frit og åbent Internet opfordrer vi fællesskaber, industrier og lande til at anerkende disse værdier. | Upang mapanatiling malaya at bukas ang Internet, nananawagan kami sa mga pamayanan, mga industriya, at mga bansa na kilalanin ang mga prinsipyong ito. |
12 | Vi tror på, at de bidrager til større kreativitet, større innovation og mere åbne samfund. | Naniniwala kami na magdudulot ang mga ito ng higit na pagkamalikhain, ng higit na inobasyon, at ng mas malayang lipunan. |
13 | Vi tager del i en international bevægelse, der forsvarer disse friheder, fordi vi mener, at de er værd at kæmpe for. | Kami ay nakikibahagi sa pandaigdigang kilusan na ipinagtatanggol ang ating mga kalayaan dahil naniniwala kaming karapat-dapat silang ipaglaban. |
14 | Lad os diskutere disse værdier - blive enige eller uenige om dem, debattere dem, oversætte dem, gøre dem til vores egne og nuancere debatten i fællesskab - ved hjælp af internettets unikke egenskaber. | Pag-usapan natin ang mga prinsipyong ito - sumang-ayon o sumalungat, makidebate, isalin, angkinin at palawakin ang diskusyon sa inyong pamayanan - sa paraang ang Internet lamang ang makakagawa. |
15 | Støt os i arbejdet med at bevare et frit og åbent Internet. | Samahan kaming mapanatiling malaya at bukas ang Internet. |
16 | Vi står for et frit og åbent Internet. | Naninindigan kami sa malaya at bukas na Internet. |
17 | Vi støtter gennemsigtige og inkluderende arbejdsformer under udarbejdelsen af internetpolitikker samt etableringen af fem grundlæggende principper: | Kinakatigan namin ang mga prosesong bukas at sumasaklaw sa lahat, tungo sa paggawa ng polisiya sa Internet at tungo sa pagtatatag ng limang pangunahing prinsipyo: |
18 | Ytringsfrihed: Censurer ikke Internettet. | Pagpapahayag: Huwag harangan ang Internet. |
19 | Adgang: Promover universal, fri adgang til hurtige netværk til overkommelige priser. | Pagkonekta: Itaguyod ang mabilis at abot-kayang koneksyon para sa lahat. |
20 | Åbenhed: Bevar Internettet som et åbent rum, hvor alle frit kan netværke, kommunikere, skrive, læse, se, tale, lytte, lære, skabe og forny som de vil. | Pagiging Bukas: Panatilihing bukas ang Internet kung saan malayang nakakapag-ugnay, nakakapag-usap, nakakapagsulat, nakakapanood, nakakapagsalita, nakakapakinig, nakakapag-aral, nakakagawa at nakakalikha ang lahat ng tao. |
21 | Innovation: Beskyt friheden til at nyskabe og opfinde uden tilladelse. | Pagiging Inobatibo: Ipagtanggol ang kalayaang lumikha at gumawa nang walang permisong kinakailangan. |
22 | Blokér ikke nye teknologier og straf ikke opfinderne for deres brugeres handlinger. | Huwag pigilan ang mga bagong teknolohiya, at hindi dapat parusahan ang mga lumilikha ng inobasyon dahil sa kabaluktutan ng mga gumagamit dito. |
23 | Privatliv: Beskyt retten til privatliv, og forsvar alles ret til kontrol over anvendelsen af personlige data og elektroniske apparater. | Pagiging Pribado: Pangalagaan ang pagiging pribado at ipagtanggol ang kakayahan ng lahat na magpasiya kung paano gagamitin ang sariling datos at mga aparato. |