# | fas | fil |
---|
1 | اشتراک تصاویری از افغانستان که هیچگاه نمیبینید | Mga Litrato ng Afghanistan na Hindi Mo Pa Nakikita |
2 | چندین دهه جنگ و تروریسم افغانستان را از جمله خطرناک ترین کشورهای جهان قرار داده است. | [Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Ingles.] |
3 | | Ilang dekada ng giyera at terorismo ang bumalot sa bansang Afghanistan na tinaguriang isa sa mga pinakamapanganib na lugar sa buong mundo. |
4 | با وجود پیشرفت این کشور از زمان سرنگون شدن طالبان در سال ۲۰۰۱، بیشتر رسانههایی که در مورد افغانستان مینویسند، تمرکز سرسختانهای بر مسائل منفی از قبیل انفجار بمب، حملات انتحاری و تلفات قرار دادهاند. | Sa kabila ng pag-unlad ng pamumuhay doon magmula nang napatalsik sa puwesto ang grupong Taliban noong 2001, madalas pa ring nababalita sa midya ang negatibong imahe ng Afghanistan gaya ng mga pambobomba, kaguluhan, at pagkasawi ng buhay. |
5 | گزارشات در این رسانه ها تصاویر وحشتناکی را در بر دارد که منجر میشود اکثر مردم هرگز نخواهند به دیدار این کشور جنگزده اما بسیار زیبا بیایند. | Dahil sa mga nakakakilabot na pagsasalarawan, maraming dayuhan ang natatakot bumisita sa masalimuot ngunit magandang lugar ng Afghanistan. |
6 | به همین دلیل است که کار Antony Loveless، روزنامه نگار مستقل انگلیسی و عکاس، تفاوت زیادی ایجاد میکند. | Kaya naman kapansin-pansin ang mga likhang sining ni Antony Loveless, isang Britanikong mamamahayag at litratista. |
7 | از مارس ۲۰۱۲ تا کنون، Loveless در حال ارسال عکسهایی از سفر خود به افغانستان بر روی توییتر بوده است، با استفاده از برچسب اختراعی اش، TheAfghanistanYouNeverSee# (افغانستانی که هیچوقت نمیبینید). | Magmula noong Marso 2012, naging daan ang Twitter upang maibahagi ni Loveless ang mga litrato ng kanyang mga paglalakbay sa Afghanistan, gamit ang hashtag na siya mismo ang umimbento, ang #TheAfghanistanYouNeverSee [ang Afghanistan na hindi mo pa nakikita]. |
8 | Loveless در گفتگو با صداهای جهانی در مورد این برچسب گفت: | Sa naging panayam ng Global Voices, ibinunyag ni Loveless na: |
9 | من یک نمونهی کار با بیش از ۲۰۰۰ تصویر از سه سفر به افغانستان در سال های اخیر دارم و برای پیگیری آنها، به فکر برچسب نسبتا ثقیل [TheAfghanistanYouNeverSee#] افتادم. | May higit 2,000 larawan akong nakuha mula sa pagpunta ng Afghanistan ng tatlong beses, at upang masundan ko ang mga ito, naisip ko ang hashtag na #TheAfghanistanYouNeverSee. |
10 | دختری در دریاچه. پریدن در آب برای خنک ماندن در زیر آفتاب بی رحم ظهر. | Ang Batang Babae sa Lawa, nagtatampisaw sa tubig at nagpapalamig sa gitna ng sikat ng araw. |
11 | تصویر از Antony Loveless، استفاده با کسب اجازه. | Litrato ni Antony Loveless, may pahintulot sa paggamit. |
12 | ‘منطقه سبز' افغانستان؛ راستایی از زمین های حاصلخیز کشتشده در امتداد دره رود هِلمند. | Ang 'luntiang bahagi' ng Afghanistan, isang malawak at masaganang lupain sa Lambak ng Ilog Helmand. |
13 | تصویر از Antony Loveless، استفاده با کسب اجازه. | Litrato ni Antony Loveless, may pahintulot sa paggamit. |
14 | زیبایی خیره کنندهی دریاچهی کجکی در جنوب افغانستان، مشاهده شده از چینوک نیروی هوایی سلطنتی (بریتانیا). | Nakakamanghang kagandahan ng Lawa ng Kajaki sa timog Afghanistan, tanawin mula sa isang elikopterong Chinook ng Royal Air Force. |
15 | تصویر از Antony Loveless، استفاده با کسب اجازه. | Litrato ni Antony Loveless, may pahintulot sa paggamit. |
16 | برچسب Loveless مورد توجه گروهبان الکس فورد، از نیروی هوایی سلطنتی (RAF- Royal Air Force)، که شش ماه از سال ۲۰۱۱ را در استان هلمند افغانستان سپری کرده بود، قرار میگیرد. | Nakita naman ni Sarhento Alex Ford ng Royal Air Force ang hashtag ni Loveless. Nagsilbi noong 2011 si Ford sa lalawigan ng Hilmand sa loob ng 6 na buwan. |
17 | فورد دیدگاه های خود را در مورد این برچسب در مجلهی Warfare (جنگافزار) اینگونه مطرح میکند: | Sa kanyang panulat sa Warfare Magazine, sinabi ni Ford: |
18 | حدود ۱۱ سال است که ما با افغانستان درگیر بودهایم، و دیدن تصاویری از جنگ در اینجا به امری عادی تبدیل شده است. | 11 taon na tayong nanghihimasok sa Afghanistan, at pangkaraniwan na ang mga larawan ng nagaganap na giyera. |
19 | اما این تصاویر معمولا بیشتر به سمت منفی درگیری در اینجا توجه دارد. | Ngunit madalas negatibo ang tingin natinsa mga litratong ito. |
20 | تصاویری از تابوتهای در پرچم پیچیده که در میان Wootton Bassett [شهر کوچکی در شمال انگلستان] و یا به بیرون از Brize Norton [بزرگترین پایگاه نظامی نیروی هوایی انگلستان واقع در شمال غرب لندن] رانده میشوند…تصویری از یک سرباز خندان، اما عنوان زیر عکس تاریخ مرگ او. | Mga larawan ng mga kabaong ng sundalo sa Wootton Bassett o Brize Norton… isang imahe ng nakangiting sundalo, pero nakalagay ang araw ng kanyang pagkamatay sa bandang ibaba. |
21 | متاسفانه، اکثر جمعیت بریتانیا که این جنگندگان زمینی را حمایت میکنند هیچ بینش واقعی نسبت به داستان جنگ در اینجا ندارند؛ این داستانی که افغانستان است. | Nakakalungkot dahil hindi alam ng karamihan ng mga mamamayan sa Britanya ang tunay na kuwento sa likod ng digmaan; ang kuwento ng Afghanistan. |
22 | کودکان محلی آماده به گپ زدن با پاراتروپر های در حال ترک محل فرود هلیکوپتر. | Mga batang inaabangan ang mga sundalo sa Helicopter Landing Site. |
23 | عکس از الکس فورد، استفاده با کسب اجازه. | Litrato ni Alex Ford, may pahintulot sa paggamit. |
24 | کودکان افغانی با کتابها و خودکارهای اهدایی یونیسف در کلاس درس. | Hawak ng mga batang Afghan ang mga libro at bolpeng ibinigay ng UNICEF. |
25 | عکس از الکس فورد، استفاده با کسب اجازه. | Litrato ni Alex Ford, maay pahintulot sa paggamit. |
26 | این برچسب، بین کسانی که به افغانستان سفر میکنند محبوبیت پیدا کرده است و به راه اشتراکی برای تصاویری که مردم در خارج از کشور به ندرت در رسانه های معمولی میبینند تبدیل شده است. | Lalong sumikat ang nasabing hashtag dahil sa mga turistang bumibisita sa Afghanistan at ginamit ang tag upang ibahagi ang kani-kanilang mga litrato. |
27 | یک کودکان افغان به ظاهر آمادهی حضور در برابر دوربین. | Isang batang Afghan na nakahanda sa likod ng kamera. |
28 | عکس از استیو بلک. استفاده با کسب اجازه. | Litrato ni Steve Blake, may pahintulot sa paggamit. |
29 | به تازگی، اقبال احمد اوروزگانی، عکاسی از افغانستان، نیز آغاز به ارسال عکسهایی تحت این برچسب کرده است که افغانستان را از دیدگاه های مختلف نشان می دهد. | Kamakailan, ginamit rin ng litratistang Afghan na si Iqbal Ahmad Oruzgani ang hashtag sa kanyang mga litrato upang ipakita ang ibang perspektibo sa Afghanistan. |
30 | عروسی دسته جمعی برای ده ها زوج ها در دایکوندی، افغانستان مرکزی. | Kasalang bayan para sa dose-dosenang magsing-irog sa Daikundi, gitnang Afghanistan. |
31 | عروسی دسته جمعی در کشور بسیار محبوب شده است چرا که به کاهش هزینههای عروسی خانوادهها کمک می کند. | Naging popular ang pagdaos ng kasalang bayan dahil bawas-gastos ito para sa bawat pamilya. |
32 | عکس از اقبال احمد اوروزگانی. استفاده با کسب اجازه. | Litrato ni Iqbal Ahmad Oruzgani, may pahintulot sa paggamit. |
33 | دختران جوان افغانی در حال خواندن یک کتاب درسی در مقابل یک مغازهی تعطیل. | Mga batang Afghan na nagbabasa ng aklat sa harap ng isang tindahan. |
34 | عکس از اقبال احمد اوروزگانی. استفاده با کسب اجازه. | Litrato ni Iqbal Ahmad Oruzgani, may pahintulot sa paggamit. |
35 | زمستان در منطقهی بهسود در استان میدان واردک. | Taglamig sa Distrito ng Behsud sa lalawigan ng Maidan Wardak. |
36 | عکس از اقبال احمد اوروزگانی. | Litrato ni Iqbal Ahmad Oruzgani, may pahintulot sa paggamit. |
37 | هر عکس به اشتراک گذاشته شده ذیل این برچسب توسط صدها نفر از کاربران توییتر باز-توییت میشود و مخاطب گستردهای برای این عکاسها پدید میآورد. | Daan-daan naman ang nag-retweet sa Twitter ng mga litrato sa nasabing hashtag, kaya't higit na lumawak ang bilang ng mga saksi sa mga larawang ito. |
38 | در گفتگو با صداهای جهانی، Antony Loveless میگوید: | Sa pakikipag-usap sa Global Voices, sinabi ni Antony Loveless: |
39 | کاربران توییتر بی شماری گفته اند که این بهترین استفاده از برچسب توییتر است، و من در حال حاضر در مذاکراتی هستم برای چاپ یک کتاب بر اساس این برچسب پس از اینکه تعداد بی شماری از مردم به خریدن چنین کتابی ابراز علاقه کردند. | Hindi mabilang ang mga nagsabing ito na raw ang pinakamagandang gamit ng isang hashtag sa twitter, at sa kasalukuyan inaayos ko na ang proseso ng paglalathala ng isang libro mula sa hashtag dahil marami ang interesado sa pagbili ng ganitong aklat. |