# | fil | ita |
---|
1 | Syria: Ang Rebolusyon Ayon sa Mga Guhit ni Wissam Al Jazairy | Siria: artisti a sostegno delle proteste popolari |
2 | Ang ulat na ito ay bahagi ng aming espesyal na pagtalakay sa Protesta sa Syria 2011/12. Nagsilbing inspirasyon para sa maraming manunulat, pintor, direktor, litratista, at mga alagad ng sining ang rebolusyon sa bansang Syria. | L'attuale situazione siriana ha ispirato diversi artisti, scrittori, pittori, registi e fotografi - risvegliando la creatività, finora assopita, di molti artisti che ora espongono online le proprie opere. |
3 | Pinukaw nito ang kaisipan at minulat nito ang diwa ng mga malikhaing taga-Syria, na kaagad nagpahayag ng kanilang likhang-sining sa pamamgitan ng internet. | |
4 | Nagbunga ito ng mga samu't saring litrato, larawan, awit, at tula, na hindi lamang patungkol sa pagdurusa at kahirapan sa Syria, kundi pati na rin ang mga pangarap at pagpupunyagi tungo sa isang malaya at demokratikong bayan. | Il risultato è una stupefacente varietà di foto, quadri, canzoni e poesie che descrivono non solo le lotte e la sofferenza del popolo siriano ma anche le speranze e le aspirazioni per un paese libero e democratico. |
5 | Si Wissam Al Jazayri ay isang binatang graphic designer sa Syria, na nakilala dahil sa kanyang blog [en] at Facebook page [ar] na nagsusulong sa diwa ng rebolusyon. | Wissam Al Jazayri è un giovane graphic designer siriano che usa il blog [en] e la pagina Facebook [ar/en] per dare il proprio contributo - in termini pacifici - alle proteste in corso. |
6 | Ito ang kanyang naging sagot sa panayam ng Global Voices: | Ecco cosa riferisce a Global Voices: |
7 | Nagsimula akong tumulong sa rebolusyon matapos ang sagupaan sa Moske Al Omari sa bayan ng Daraa noong Abril 2011. | In seguito all'assalto alla Moschea di Al Omari nell'aprile del 2011, ho deciso di lavorare per la rivoluzione. |
8 | Sa halip na gumamit ng tradisyonal na pamamaraang pampulitika, Metapisika ang aking naging instrumento upang maipahayag ang mga ideya, nang mapukaw ang mga nakatagong kaisipan. | Per esprimermi al meglio ho fatto ricorso alla metafisica: voglio raggiungere l'inconscio piuttosto che realizzare ordinari disegni tradizionali di stampo politico. |
9 | Hindi naging madali para kay Wissam ang buhay aktibista. | Per Wissam non è stato facile attivarsi in tal senso. |
10 | Nakatanggap na siya ng maraming pagbabanta, at pinaghahanap siya ngayon ng kasalukuyang rehimen sa Syria. | Ha ricevuto, infatti, varie minacce ed è ricercato dal regime siriano. |
11 | Sa ngayon siya ay nagtatago sa isang lihim na lugar, at nilisan na rin ng kanyang mga magulang ang bansa para na rin sa kanilang kaligtasan. | Attualmente risiede in un luogo segreto; i genitori hanno abbandonato la Siria per garantire la propria incolumità. |
12 | Narito ang ilan sa kanyang mga nilikhang disenyo, na matatagpuan sa kanyang Facebook Page [ar] at website [en]. Lahat ng mga inilathala dito ay may kaukulang pahintulot mula sa kanya. | Ecco di seguito alcune sue opere, pubblicate col consenso dell'autore, che possono essere ammirate anche sulla pagina Facebook [ar/en] o sul sito web [en] dell'artista. |
13 | Ang rebolusyon ay gaya ng isang babae, na kailangang lumaya | La rivoluzione è una donna, perciò liberatevi. |
14 | Tinapay at tao sa lupain ng kamatayan | Il pane e l'essere umano nella terra della morte |
15 | Bilang pag-alala kay Ghayath Matar | In memoria di Ghayath Matar |
16 | Ang pagsayaw sa saliw ng isang diktador | Ballerine destinate a un dittatore |
17 | Palayain ang lahat ng mga alagad ng sining sa Syria | Libertà per tutti gli artisti siriani |
18 | Ang pagluwal sa kalayaan | Il duro lavoro della libertà |
19 | Ang himagsikan ay ang pagsasalungat ng nakaraan at hinaharap | La rivoluzione è un conflitto tra passato e futuro |
20 | Rekyem sa pangarap | Requiem per un sogno |
21 | Ang buhay ay hindi natatapos | La vita non si ferma |
22 | Ang Huling Hiling | L'ultimo desiderio |