# | fil | jpn |
---|
1 | Mehiko: 7.8 Magnitude na Lindol Yumanig sa Bansa | メキシコ: マグニチュード7.8の地震で国が混乱 |
2 | Noong ika-20 ng Marso 2012, bandang tanghali, tinamaan ng lindol [en] ang timog at gitnang bahagi ng bansang Mehiko. | 2012年3月30日正午ごろ、メキシコ南部と中心部を地震が 襲った。 |
3 | Naramdaman ang lindol sa mga rehiyon ng Oaxaca, Guerrero, Morelos at Lungsod ng Mehiko. | その地震は、オアハカ 州、ゲレーロ州, モレロス州、メキシコシティでもっとも激しく感じられた。 |
4 | Ayon sa Mexican National Seismological Service (@SimsologicoMx) [es] taglay ng lindol ang mga katangiang ito: | Mexican National Seismological Service (@SimsologicoMx) [es] ]によると、この地震の特徴は次のとおりである。 |
5 | LINDOL 7.8 Richter 29 kilometro TIMOG ng OMETEPEC, GRO 03/20/12 12:02:50 Lat 16.42 Lon -98.36 Pf 15 kilometro | 地震 マグニチュード7.8 ゲレーロ州オメテペクの南29km 03/20/12 12:02:50 震源の北緯16.42度、西経98.36度、深さ15km |
6 | Nagdulot ito ng matinding takot sa isang lipunang sanay na sa mga lindol, subalit kakaiba ang naging lakas nito. | 地震が多い地域であるとはいえ、これほど強烈なものを経験していない人々は苦痛を強いられることとなった。 メキシコシティのいくつかの場所では、市民はパニックに陥ったり、オフィスに戻るのを路上で待つこととなった。 |
7 | Sa ilang bahagi ng Lungsod ng Mehiko, nagkagulo ang mga tao sa lansangan habang nag-aantay na makabalik sa kani-kanilang opisina. | 停電があったいくつかの近隣地域では、人々が家族への連絡、状況報告のため、その場でインターネットを使い始めた。 |
8 | Dahil nawalan ng kuryente ang ilang kabahayan, ginamit ng mga tao ang Internet upang makausap ang kani-kanilang pamilya at ibalita ang nangyayari sa kanilang lokasyon. | 例えば、Jazmin Fajardo (@jazminfajardo) [es]は、このように言った。 |
9 | Halimbawa, sabi ni Jazmin Fajardo (@jazminfajardo) [es]: Sa La Condesa (isang pook na malapit sa Lungsod ng Mehiko) lahat ay lumabas sa mga gusali, maalikabok at amoy gasolina | La Condesa (メキシコシティのダウンタウンに近い場所)では、皆が建物の外に出ていて、埃とガスが匂う。 |
10 | Ibinalita ni Nayeli Roldán (@nayaroldan) [es] na may ilan na piniling manatili sa Zocalo (ang plaza sa gitna ng Lungsod ng Mehiko) sa kabisera ng Mehiko: | Nayeli Roldán (@nayaroldan) [es] は、メキシコ首都のソカロ広場(メキシコシティの中心部にある広場)に避難者が居ることを知らせた。 |
11 | Nagsilabasan ang mga tao mula sa mga gusaling malapit sa Zocalo | ソカロ広場の近くでは、人々がビルを空にして抜け出している。 |
12 | Ibinihagi naman ni RankiaoRecordsHD sa Youtube ang bidyong ito ng lindol: | RankiaoRecordsHD は、次のような地震のビデオをYouTubeに公開した。 |
13 | http://www.youtube.com/watch? | http://www.youtube.com/watch? |
14 | v=XXBJl5HbY38&feature=related | v=XXBJl5HbY38&feature=related |
15 | Tinipon naman ni Juliana Rincón sa isang artikulo [en] para sa Global Voices ang ilan pang bidyo ng lindol na kinunan mismo ng mga mamayanan doon. | Juliana Rincón はさらに多くの一般市民が撮影した地震のビデオを集め、グローバルボイスに投稿 している。 |
16 | Sa gitna ng kaguluhan, nagawa pa ng Twitter account ng Walmart Mexico (@WalmartComMx) ang magbiro: | パニックの最中、大手スーパーチェーン、ウォルマートメキシコはツイッター上(@WalmartComMx)で次のように発言した。 |
17 | Heto na, nagimbal ang ibang nagtitinda dahil sa mga presyo namin | このことだ、うちの値段が他店を震えさせたというのは |
18 | Kinalaunan, binura ng kompanya ang tweet; subalit nakunan ito ng screenshot ni Gavo Ayala (@gavowonka) [es]: | 同社はこのツイートを削除したが、Gavo Ayala (@gavowonka) [es] がそのスクリーンショットを公開した。 |
19 | Binura ng @WalmartComMx ang tweet pero heto ang screenshot #tembor #temblorDF #temblorMexico http://twitpic.com/8z1f55 | @WalmartComMx がツイートを削除したけど、ここにスクリーンショットがある。 |
20 | Nagdulot ito ng matinding galit sa mga gumagamit ng Twitter at mariin nilang tinutulan ito sa pamamagitan ng hashtag na #OfertasWalmart (Mga Binebenta sa Walmart) | #tembor #temblorDF #temblorMexico http://twitpic.com/8z1f55 |
21 | Sa rehiyon ng Oaxaca, timog Mehiko, 25 munisipyo ang nag-ulat ng mga pinsala [es], at sa rehiyon ng Guerrero, 800 na kabahayan [es] ang nasira. | このツイートに憤慨したツイッターたちはハッシュタグ #OfertasWalmart(ウォルマートセールス)を通して強く避難した。 |
22 | Samantala sa rehiyon ng Morelos isang simbahan [es] ang tuluyang nawasak. | メキシコ南部のオアハカ州では、 25の自治体が被害に遭い、 [es], ゲレーロ州では 住宅800棟 [es] が倒壊。 |
23 | Sa kabila ng mga pinsala at kawalan ng kuryente sa Lungsod ng Mehiko, mas maliit ang naging epekto ng naturang lindol kung ikukumpara sa sakunang dinulot ng lindol noong Setyembre 19, 1985, kung saan lalong pinagtibay ng bansa ang paghahanda sa mga ganitong kaganapan. | 一方、モレロス州でも 教会 [es] が激しく破壊された。 メキシコシティではこれらの被害や電力停止にも関わらず、震災の被害は最小限度に食い止められた。 |
24 | Masasabing nagtagumpay naman ang adhikaing ito dahil wala pang iniulat na namatay nang unang inilathala ang artikulong ito. | 1985年9月19日の悲惨な地震の経験から、国の地震への対応策改善のため、いくつもの真剣な取り組みがなされていたのだ。 この記事の発行時点では犠牲者の報告はなく、その努力は報われたと見える。 |