# | fil | kor |
---|
1 | Mga Yamang-Kultura ng Syria, Pinapangambahang Maglaho | 위험에 처한 시리아 유적지를 구하라 |
2 | Ang ulat na ito ay bahagi ng aming espesyal na pagtalakay sa Protesta sa Syria 2011/12. | 본 기사는 2011/2012 시리아 시위 특별 취재의 일부입니다. |
3 | Bukod sa lumulobong bilang ng mga nasasawi sa giyera sa bansang Syria, isang masaker ang patuloy na nagaganap sa yamang-kultura ng mga taga-Syria. | 심화하는 유혈사태로 사망자 수는 나날이 증가하고 있다. |
4 | Subalit mapapansing ang usaping ito ay bihira lamang mabanggit sa midyang tradisyonal at sa social media. Alam mo bang may anim na lugar sa bansa ang bahagi ng listahan ng UNESCO World Heritage List? | 이와 함께 시리아를 가득 채운 역사적 유물들도 파괴되고 있는 실정이지만 이를 성토하는 주류 언론의 보도는 물론 소셜미디어의 모습 또한 보기 힘들다. |
5 | Ito ay ang Lumang Siyudad ng Aleppo, Lumang Siyudad ng Bosra, Lumang Siyudad ng Damascus, Lumang Siyudad ng Hilagang Syria, Crac des Chevaliers at ang Pook Qal'at Salah El-Din sa Palmyra. | 이 글을 접한 여러분은 시리아가 유네스코 에 등재된 세계문화 유적지만 6곳이나 이르는 중동의 역사박물관이란 것을 알고 있는가? |
6 | Maliban doon, may 12 ibang lugar sa bansa na kabilang din sa tinatawag na tentative list. | 시리아 제2의 도시인 알레포 성채를 비롯, 보스라, 다마스쿠스, 등이 문화유산으로 이름을 올리고 있다. |
7 | Noong ika-30 ng Marso, 2012, nagpalabas ng anunsyo ang UNESCO na umaapela sa buong mundo na pahalagahan ang mga yamang kultura ng Syria. | 이들 유적지 외에도 등재를 기다리는 고대 유물들이 전국에 12곳이나 산적해 있는 곳이 바로 이곳, 시리아다. |
8 | Sa kanyang panawagan, sinabi ni Irina Bokova, ang Director General ng UNESCO: | 지난 3월30일부터 유네스코는 지속적으로 전세계에 시리아 유적 보호 메세지 보내고 있다. |
9 | Ang pagkawasak ng yamang-kasaysayan ng bansa ay siya ring pagkasira ng diwa ng kanyang mamamayan at pagkakakilanlan niya. | 이리나 보코바 유네스코 사무총장은 다음과 같이 말했다. |
10 | Ang bayan ng Aleppo, halimbawa, ay naging sentro ng bakbakan sa pagitan ng mga rebelde at militar. | “찬란한 유산의 파괴는 시리아 국민의 영혼과 정체성에 상처를 내는 것과 진배없다” |
11 | Lubusang ikinabahala ito ng nasabing sangay ng UN at ng kaugnay nitong ahensiya, ang World Heritage Committee. | 알레포 성채는 반군에 대한 공세 과정에서 정부군의 포격으로 파괴되었으며 유네스코 세계유산위원회(WHC)는 우려를 금치 못했다. |
12 | Pagkasira, pagnanakaw, at pagpupuslit ng mga ninakaw … ito ang naging hantungan ng mga ingat-yaman na humigit isang libong taon na ang tanda. | 파괴, 약탈, 밀수…수 천년의 세월을 견뎌온 알레포의 운명은 결국 이것이란 말인가. |
13 | Upang masubaybayan ang mga yamang-kultura ng Syria mula sa tuluyang pagkawasak, itinalaga ang mga Facebook page at YouTube account na may pamagat na ‘Ang pamana ng arkeolohiyang Syrian, nanganganib', na may kaukulang salin sa mga wikang Arabic, Pranses, Ingles at Kastila. | 유적에 가해지는 피해 내역을 꼼꼼히 기록하기 위해 위협받는 시리아 문화유산이라 명명된 페이스북 페이지와 유튜브 채널이 개설됐다. 상기 페이지는 아랍어, 영어, 프랑스어, 스페인어로 제공된다. |
14 | Sa ngayon walang pagkakakilanlan sa tunay na katauhan ng grupo sa likod ng pagkilos; marahil sila ay isang pangkat ng mga arkeolohistang taga-Syria o mula sa ibang bansa. | 이들 페이지의 운영자에 대해선 아무것도 알려진 것이 없지만 한때 정부에서 일한 국내, 혹은 국외거주의 고고학자들이 아닐까 추정된다. |
15 | Ito ang nilalaman ng kanilang panawagan: | 이 들이 남긴 기록 중에 이런 탄원도 있었다: |
16 | Maliban sa paghahahangad ng lubos na kapayapaan para sa bansa, limitado ang ating magagawa upang mapalaya sila mula sa kasalukuyang kaguluhan. Ngunit may magagawa tayo. | 그저 하루빨리 평화가 정착되길 바라는 것 외에는 이 상황을 끝내기 위해 우리가 할 수 있는 것이 많아 보이진 않는다. |
17 | Saksi ang mga taga-Syria sa mga nakaambang pagkawasak ng kanilang mga yamang-kultura, at ilan sa mga ito ay tuluyan nang nasisira. | 그러나 한 가지 우리가 할 수 있는 것이 있다. 시리아 국민들은 자국의 문화 유산이 위협받고 있는 명백한 상황을 눈으로 똑똑히 지켜보고 있다. |
18 | Malaking bahagi ng kanilang kultura ang maaaring mawala. | 유구한 문화재를 일순간에 잃게 될 수도 있는 것이다. |
19 | Ito ang maaari nating gawin upang mapangalagaan ang mga pamana ng kultura: Karamihan sa mga bagay na nahukay namin ay naipadala na sa mga lokal na museo at sa ilang mga kabahayan kung saan kami pansamantalang nakatira. | 그렇다면 시리아의 유산을 보호하는데 우리가 할 수 있는 일은 무엇일까. 우리는 발굴 현장서 발견한 모든 고고학적 자료들을 지역 박물관에 보내거나 미션하우스에 보관해두었다. |
20 | Posibleng mawala ang mga bagay na ito dahil sa kawalang-katiyakan ng sitwasyon doon. | 시리아의 국내 사정이 워낙 예기치 않게 흘러가기에 자칫하면 이들 자료들이 공중분해될 공산이 있기 때문이다. |
21 | Kaya't nananawagan kami sa mga kasamahan namin na ihanda ang mga imbentaryo at talaan ng mga bagay na ito kung sakali mang mawala sila. | 자, 친애하는 동료들이여, 이런 상황에 대비하여 우리가 할 일은 우리의 기록 보관소, 자료 목록 등을 준비하는 것이다. |
22 | Pagdating ng panahon, ang mga hakbang na ito ay makakatulong sa pagsasaayos ng mga yamang arkeolohiyal na nahukay bago pa man nagsimula ang kaguluhan. | 분명히 차후 문제가 발생하기에 앞서 고고 유적 발굴 상황을 개략적으로 그려볼 수 있는데 도움이 될 것이 자명하다. |
23 | Bilang halimbawa, narito ang pagkasira na masasaksihan sa makasaysayang distrito ng Bab Al Dreib sa bayan ng Homs: | 홈즈의 밥 알 드레이브의 역사 구역이 유린당하는 모습을 통해 유적지 파괴의 단면을 엿볼 수 있다. |
24 | Pagkawasak ng mga gusali sa distrito ng Bab Al Dreib sa lungsod ng Homs | 참혹하게 파괴된 홈즈의 밥 알 드레이브 역사 구역의 모습 |
25 | Ito naman ang Bab al Turkman sa Homs: | 마찬가지로 홈즈 밥 알 투르크만의 모습이다. |
26 | Isa pang bahagi ng Homs ang nasira | 홈즈의 또다른 유적지의 참혹한 모습 |
27 | Ito naman ang larawan ng sikat na Aleppo Citadel, bago at matapos ang sagupaan doon: | 유명한 알레포 성체의 파괴 전 과 후의 모습. |
28 | Ang dinarayong Citadel sa bayan ng Aleppo Isang tambak nalang ng mga bato, ganito ang nangyayari sa Aleppo Citadel ngayon | T한 때 위용을 자랑했던 유명한 알레포 성체의 위풍당당한 모습 |
29 | Hindi naman nakatakas sa mga pinsala ang matandang pamilihang bayan sa distrito ng Midan: | 한 때 활기가 넘쳤을 다마스쿠스 미단 지역의 한 재래 시장 |
30 | Ganito na ngayon ang hitsura ng matandang pamilihan sa Distrito ng Midan sa lungsod ng Damascus | 유투브를 통해서도 심각하게 훼손되고 파괴된 유적지의 모습을 볼 수 있다. |
31 | Makikita sa YouTube ang ilang mga bidyo na naglalarawan sa lawak ng pinsala sa mga makasaysayang pook sa Syria. | 폭격을 맞은 텔 비스의 아무 우베이다 알 자라 사원의 모습: |
32 | Narito ang ilang halimbawa: | 알레포시의 모습 |
33 | Ito ang moskeng Abu Ubeida al Jarrah sa Tell Bysse: | 마찬가지로 폭격의 희생물이 된 사이드나야 수도원l: |
34 | Ang lumang bahagi ng Aleppo: | 콸라트 엘 무지크(라틴명 아파메이아)의 모습 |
35 | Ang monasteryo sa bayan ng Saidnaya: Ang kastilyong Qalaat Al Madiq Bombing-Apamea: | Avaaz에서도 시리아의 문화 유산 보호 청원을 제출할 수 있다. |
36 | Nakatala ngayon sa Avaaz ang isang panawagan at petisyon upang isalba ang mga yamang-kultura ng Syria. | 본 기사는 2011/2012 시리아 시위특별의 일부입니다. |