# | fil | nld |
---|
1 | Bangladesh: Palabas na Cartoon, Nagtuturo sa mga Bata ng Dayuhang Wika at Pagsisinungaling | Bangladesh: Gaan kinderen door een tekenfilm een vreemde taal spreken en liegen? |
2 | [Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Ingles, maliban na lang kung nakasaad.] | |
3 | Mainit na pinag-uusapan ngayon sa bansang Bangladesh ang isang palabas sa Disney Channel India. | Een tekenfilm die wordt uitgezonden op Disney Channel India veroorzaakt discussies in Bangladesh. |
4 | Ang pangalan ng Japanese anime (na isinalin sa wikang Hindi) ay Doraemon. | De Japanse anime (nagesynchroniseerd in het Hindi) is Doraemon. |
5 | Marami ang nagsasabing natututo ang mga batang manonood ng lenggwaheng Hindi na mula sa karatig-bansang Indiya, ngunit marami rin ang nagrereklamo dahil natututo din ang mga bata na magsinungaling. | Er wordt beweerd dat kinderen door deze tekenfilm worden gedwongen de Hindi-taal van buurland India te leren en dat ze worden aangemoedigd om te liegen. |
6 | Dumarami ang mga batang tumatangkilik sa nasabing cartoon (na paulit-ulit na ipinapalabas sa telebisyon). | Veel Bengaalse kinderen kijken naar deze tekenfilm, die voortdurend en met veel herhalingen wordt uitgezonden. |
7 | Ayon sa pagsasalaysay ng isang ina sa The blog of a Mom [bn], mauunawaan niyo kung gaano kalaki ang impluwensiya ni Doraemon sa kabataan. | Wie het verhaal van een gefrustreerde moeder leest in Weblog van een moeder [bn], begrijpt hoe gek ze zijn op Doraemon: |
8 | Hindi kakain ang anak kong limang taong gulang kapag hindi niya napapanood si Doraemon. | Mijn zoon van vijf eet niet zonder naar Doraemon te kijken. |
9 | Hindi niya gagawin ang mga takdang aralin o matutulog sa tamang oras kung hindi ko siya papayagang manood. | Hij doet zijn huiswerk niet en gaat niet op tijd naar bed als ik hem niet laat kijken. |
10 | May isang nanay naman ang nagsulat ng liham sa dyaryong Daily Prothom Alo [bn]: | Een andere moeder stuurde een brief naar de Daily Prothom Alo [bn]: |
11 | Sabi ng anak ko, hindi niya masasagutan ang kanyang takdang-aralin nang mag-isa. | Mijn zoon van acht zegt dat hij zijn huiswerk voor school niet meer alleen kan doen. |
12 | Kailangan niya ng robot na gaya ni Doaemon na sasamahan siya at sasagutan ang mga takdang-aralin. | Hij heeft een robot zoals Doraemon nodig die bij hem blijft en die al zijn problemen oplost. |
13 | Ito ang robot na si Doraemon. | Deze robotkat heet Doraemon. |
14 | Larawan mula sa Wikimedia. | Afbeelding van Wikimedia. |
15 | CC BY-SA | CC BY-SA |
16 | Ang ‘Doraemon' ay isang Japanese na palabas na hango sa sikat na manga-serye. | ‘Doraemon' is een Japanse tekenfilmserie die is afgeleid van een populaire mangaserie die later een animeserie werd. |
17 | Ang pusang robot na walang tenga ay nagmula sa ika-22 siglo upang tulungan ang batang si Nobita Nobi. | Doraemon, een robotkat zonder oren, reist vanuit de 22e eeuw terug in de tijd om een jongen, Nobita Nobi, te helpen. |
18 | Ito ang simula ng buong kwento. | Daar begint het verhaal. |
19 | Si Nobita ay napakatamad at palaging minamalas. | Nobita is een erg luie jongen die alleen maar ongeluk heeft. |
20 | Tinutulungan naman siya ni Doraemon gamit ang iba't ibang kasangkapan mula sa ika-22 siglo. | Doraemon probeert hem te helpen met gadgets uit de 22e eeuw. |
21 | Dahil sa kakulitan ni Nobita, palagi naman itong napapahamak. | Nobita maakt misbruik van de gadgets en raakt alleen maar dieper in de problemen. |
22 | Nakakatuwa ang Doraemon subalit marami ang hindi kumbinsido sa mga tinuturo ng palabas. | De verhalen van Doraemon zijn onderhoudend, maar het is de vraag in hoeverre ze educatief zijn. |
23 | Madalas na payo ni Doraemon kay Nobita ang manloko at magsinungaling. | Bij veel van de tips die Doraemon aan Nobita geeft moet worden valsgespeeld en gelogen. |
24 | Mapapanood ang Doraemon na nakasalin sa wikang Hindi. | Doraemon wordt in de regio via de satelliet uitgezonden, nagesynchroniseerd in het Hindi. |
25 | Dahil sa tagal ng panonood sa palabas, maraming bata ang natututuo ng mga pangungusap sa wikang Hindi. | Doordat ze lang zijn blootgesteld aan deze tekenfilmserie, hebben veel kinderen zinnen in het Hindi geleerd. |
26 | Ginagamit din nila ang Hindi sa pakikipag-usap sa kanilang kamag-anak sa halip na Bangla, ang lenggwaheng kanilang kinamulatan. | Ze gebruiken zelfs Hindi als ze met hun familieleden praten, in plaats van hun moedertaal Bangla. |
27 | Nagdulot ito ng matinding debate. | Dat heeft geleid tot een langdurig debat. |
28 | Marami ang nagsasabing ginagaya ng mga bata si Nobita na umaalis sa klase at nanloloko. | Veel mensen beweren dat deze kinderen leren om geen aandacht aan school te besteden en vals te spelen zoals Nobita. |
29 | Umabot ang talakayan mula sa pangkalahatang media hanggang sa mga kabahayan. | Dit debat slaat vanuit de mainstream media over naar de woonkamer. |
30 | Marami ang nananawagan na ipatigil ang palabas na ito sa Disney Channel. | Veel mensen willen dat de uitzendingen van Disney Channel worden gestopt. |
31 | Ayon kay Kanak Barman [bn] sa website na Somewhereinblog: | Kanak Barman [bn] vertelt op Somewhereinblog: |
32 | Ang pinakamaaapektuhan ng palabas na Doraemon ay ang mga bata, na hindi pa nga matatas ng wikang Bangla ay natututo na ngayon ng wikang Hindi. | De grootste slachtoffers van de tekenfilmserie Doraemon zijn kleine kinderen, die nog niet eens vloeiend Bangla spreken maar wel al heel wat Hindi oppikken. |
33 | Ito ay isang malaking banta dahil kung hindi ito ipapahinto, mas maraming bata ang matututo ng Hindi sa halip na Bangla. | Dat gaat al zo ver dat als de uitzendingen van de zender niet worden gestopt, er in deze leeftijdsgroep meer kinderen Hindi dan Bangla zullen spreken. |
34 | Kaya dapat ipagbawal sa Bangladesh ang channel na ito sa lalong madaling panahon. | Deze zender moet dus zo snel mogelijk worden geblokkeerd in Bangladesh. |
35 | Sa kabilang banda, sinisisi ni Shahriar Shafique [bn] sa website na BlogBDNews24.com ang kakulangan ng mga pambatang palabas sa wikang Bangla: | Aan de andere kant legt Shahriar Shafique [bn] op BlogBDNews24.com de schuld van deze situatie bij het gebrek aan populaire kindertelevisie in het Bangla: |
36 | May higit 20 channel sa Bangladesh ngunit hindi sapat ang dami at kalidad ng mga programang pambata ng mga ito. | Bangladesh heeft maar liefst 20 zenders, maar ze hebben niet genoeg kinderprogramma's van goede kwaliteit. |
37 | May mga magagandang palabas gaya ng Sisimpur, Meena, at Moner Kotha na mapapanood sa BTV ng ilang beses sa isang linggo. | Voor zover ik me kan herinneren zijn er drie goede programma's, zoals Sisimpur, Meena en Moner Kotha die een paar keer per week op BTV worden uitgezonden. |
38 | Ipinapalabas din sa Desh TV ang Meena at ilang channel naman ang nagdudub ng Tom & Jerry. | Desh TV zendt de tekenfilm Meena ook uit en op sommige andere zenders wordt Tom & Jerry nagesynchroniseerd. |
39 | Sikat din naman ang mga palabas na ito ngunit mas maikli ang oras na napapanood sila. | Deze programma's zijn populair, maar het zijn er maar weinig en ze worden maar kort uitgezonden. |
40 | Sa isang araw higit na marami ang mga palabas na teleserye, balita, usapan, pagluluto at pagpapakita ng talento; ito ay hindi mahalaga para sa mga bata. | De rest van de dag worden er andere programma's uitgezonden, zoals soapseries, nieuws, talkshows, kookprogramma's en talentenjachten, waar kinderen weinig aan hebben. |
41 | Hindi naman sila interesado sa mga tsismis, sa kusina at sa mga trahedya ng pag-ibig. | Onbegrijpelijke talkshows, keukenperikelen en tragedies over liefde en romantiek zijn niet interessant voor kinderen. |
42 | Sa tingin naman ng blogger na si Fahmidul Haque [bn], hindi naman banta sa wikang Bangla ang Doraemon: | Blogger Fahmidul Haque [bn] gelooft niet dat Doraemon het Bangla bedreigt: |
43 | Matagal nang naipagtatanggol ng wikang Bangla ang kanyang sarili mula sa pananakop ng wikang dayuhan. | Het Bangla heeft een inherente kracht waarmee het zichzelf beschermt tegen agressie van vreemde talen. |
44 | Noong dumating ang satellite TV noong dekada nobenta, marami ang nag-akala na mabubura ang kultura at lenggwahe ng bansang ito. | Toen er in het begin van de jaren '90 satelliet-tv kwam, dachten mensen dat de taal en cultuur van dit land zouden worden geruïneerd. |
45 | Ngunit nakipagsabayan naman sa ganitong pagbabago ang lokal na kultura at lenggwahe. | Maar de lokale taal en cultuur hebben zich aangepast aan de veranderingen. |
46 | Maraming Bangla channel ang umusbong. | Er kwamen veel zenders in het Bangla. |
47 | Kaya hindi natin naririnig ang mga katagang “alien culture”. | We horen nu dus niet meer zoveel over de veelbesproken term “vreemde cultuur”. |
48 | Kung talagang may problema ang Doraemon, ang pinakamadaling solusyon ay ang bilhin ang karapatan sa pagpapalabas ng cartoon at isalin ito sa wikang Bangla. | Als Doraemon echt een probleem veroorzaakt, is de eenvoudigste oplossing dat de rechten van de serie worden gekocht en dat de serie nagesynchroniseerd in het Bangla wordt uitgezonden. |