# | fil | pol |
---|
1 | Bidyo: Tara na sa mga palengke ng mundo | Wideo: Targi dookoła świata |
2 | Hitik sa iba't ibang kulay, tunog at punung-puno ng buhay ang mga palengke at pamilihang bayan, saang dako man sa mundo. | Targi na całym świecie są pełne kolorów, dźwięków i życia. |
3 | Samahan niyo kami sa aming pagbisita - sa pamamagitan ng mga litrato at bidyo - sa mga palengke ng El Salvador, Mehiko, Indiya, Indonesia at Thailand. | Zapraszamy na wirtualną podróż po targach w Salwadorze, Meksyku, Indiach, Indonezji i Tajlandii. |
4 | Matapos mapanood ang bidyo ni RocaCristo na inilalarawan ang palengke ng Santa Tecla sa El Salvador, ito ang naging pahayag ni varistojamonbanua tungkol sa pagkakahalintulad ng palengkeng iyon sa palengkeng kanyang nakagisnan sa kanyang bayan: | Po obejrzeniu poniższego filmu z targu Santa Tecla w Salwadorze, opublikowanego przez RocaCristo, varistojamonbanua znalazł nastąpujące podobieństwa pomiędzy tym miejscem a targami w jego rodzinnym kraju: |
5 | …taga-maynila ako, gusto ko ang bidyo mo, parang gaya lang sa palengke sa pilipinas, ang mga gulay, prutas, kamote, at mga bilog na prutas na tinatawag naming senegwelas dito sa pilipinas na namumunga tuwing tag-init. gusto ko ‘tong bidyong ito | …jestem z Manili, podoba mi się twój film, ma się wrażenie, że jest się na mokrym targu na Filipinach, te wszystkie warzywa, owoce, jak bataty (słodkie ziemniaki) i te małe, okrągłe owoce, które widujemy w lecie na Filipinach, i które nazywamy “seneguelas”. |
6 | Sa Indonesia, ang pagtitinda at pagpapalitan ng mga produkto ay ginaganap sa tinatawag na floating market sa Lok Ba Intan sa Timog Borneo. | Uwielbiam ten film. W Indonezji sprzedaż i wymiana towarów odbywa się m.in. na pływającym targu w Lok Ba Intan, w południowej części wyspy Borneo. |
7 | Dinadagsa ng mga taga-kalapit bayan mula 5 hanggang 8 ng umaga ang palengke sa ilog ng Lok Baintan, kung saan malapit ang lungsod ng Martapura sa Timog Borneo, Indonesia. | Między 5 a 8 rano ludzie z pobliskich wiosek przybywają na targ rzeczny Lok Baintan, położony niedaleko górniczego miasta Martsapura w południowej części wyspy Borneo. |
8 | Litrato mula kay bayuwinata © Demotix (7/14/2012) | Zdjęcie: bayuwinata © Demotix (7/14/2012) |
9 | Binisita ng MVMTelevisionDigital [es] ang mga palengke sa Oaxaca, Mexico. | MVMTelevisionDigital odwiedziła targi w Oaxaca, w Meksyku. |
10 | Pinapakita sa maikling bidyong ito ang mga makukulay na lugar kung saan nakakabili ang mga taga-roon ng mga damit, alahas, at pagkain gaya ng mga kakaibang putahe gaya ng tipaklong at bulate, o ‘di kaya isang tasa ng mainit na tsokolate? | Ten jednominutowy film pokazuje nam kolorowe miejsca, gdzie klienci mogą nabyć ubrania, biżuterię oraz żywność, w tym regionalne przysmaki, takie jak koniki polne i dżdżownice, a także kubek aromatycznej, gorącej czekolady. |
11 | Kakaiba naman ang palengkeng ito sa Mumbai, Indiya [en]: sa halip na mga prutas at gulay, mabibili dito ang iba't ibang piraso at parte ng kotse, mga antigo, mga pinaglumaang refrigerator at telebisyon sa mas maliit ng halaga. | Ten targ w Mumbaju (Indie) jest nieco inny: zamiast owoców i warzyw można tu znaleźć odzyskane części samochodowe, antyki oraz odnowione lodówki i telewizory za ułamek ich pierwotnej ceny. |
12 | Sa bidyong ito na gawa ni Parasher noong 2007, ipinaliwanag niya ang pinagmulan ng pangalan ng palengkeng ito: Ayon sa isang nagtitinda ng goma ng gulong, ang orihinal na tawag dito “Shor” o ang “maingay” na palengke, ngunit matapos ang pananakop ng Englatera, ang pangalan nito ay naging “Chor” o ang palengke ng mga “magnanakaw”. | Ten film z 2007 roku autorstwa Parashera [napisy w języku angielskim] dostarcza ciekawostek na temat pochodzenia nazwy targu: sprzedawca opon utrzymuje, że miejsce było na początku znane jako “hałaśliwy” targ (Shor), jednak w czasie brytyjskiego panowania nazwa została przekształcona w bazar “złodziei” (Chor). |
13 | Pabiro namang sabi ng isa pang tindero, dahil madali namang makakahanap ng mga nakaw na gamit sa palengkeng ito, hindi na rin mali ang pangalang Chor. | Inny sprzedawca dodaje, że nazwa ta nie mijała się z prawdą, jako że na bazarze można było znaleźć wiele skradzionych dóbr. |
14 | Dumadaan ang mga tren ng walong beses sa isang araw sa gitna ng palengke ng Maeklong sa Thailand. Hinahawi ng mga nagtitinda ang kani-kanilang tolda at nililinis ang riles sa tuwing dumadaan ang mga tren. | Przez targ Maeklong w Tajlandii 8 razy dziennie przejeżdża pociąg, i za każdym razem sprzedawcy zwijają swoje kramy i usuwają się na chwilę z torów. |
15 | Bagamat pangkaraniwan na ang ganitong eksena sa mga taga-roon, kakaiba naman ang tingin ng mga turistang dumarayo sa lugar upang mapanood lamang ang kalakaran dito. | Choć dla tubylców jest to codzienny widok, targ stał się unikalną atrakcją dla turystów, którzy przybywaja tłumnie wyłącznie po to, by zobaczyć, jak sprzedawcy usuwają się przed nadjeżdżającym pociągiem. |