# | fil | urd |
---|
1 | Deklarasyon ng Kalayaan ng Internet | انٹرنیٹ کی آزادی کے لئے ایک اعلامیہ |
2 | Batid ng karamihan na nahaharap ang mundo sa mga mahahalagang sandali patungkol sa usaping kalayaan sa internet. | جیسا کہ بہت سے لوگوں کے مشاہدے میں ہے، دنیا انٹرنیٹ کی آزادی کے لحاظ سے ایک مشکل وقت سے گزر رہی ہے۔ |
3 | Sa iba't ibang bansa, may mga bagong batas na ipinapatupad na humaharang sa paggamit ng internet, habang dumarami naman ang bilang ng mga blogger na nalalagay sa panganib [en] dahil sa pagpapapahayag ng sariling pananaw. | دنیا کے بہت سے ممالک میں، انٹرنیٹ کو سنسر کرنے کیلئے نئے قوانین بنائے جا رہے ہیں، جبکہ بلاگرز محض اپنی آواز بلند کرنے کی وجہ سے خطرے میں ہیں۔ |
4 | Sa nakalipas na taon, saksi tayo sa pagsasama-sama ng mga organisasyon mula sa bawat parte ng mundo upang ipaglaban ang ating kalayaan sa internet. | پچھلے چند سالوں سے دنیا بھر کی تنظیمیں متحد ہوکر انٹرنیٹ پر اپنی آزادی کی جنگ لڑ رہیں ہیں جس کی نوید ماضی میں نہیں ملتی. |
5 | Mula sa maigting na pagtutol sa SOPA at PIPA sa Estados Unidos hanggang sa pandaigdigang pagkilos upang labanan ang Anti-Counterfeiting Trade Agreement (ACTA), nakamit natin ang diwa ng pagiging malaya at bukas ng internet. | امریکا میں سوپا (SOPA) اور پیپا (PIPA) کے قوانین کے خلاف جنگ سے لے کر Anti-Counterfeiting Trade Agreement (ACTA) کے خلاف کامیاب بین الاقوامی جدوجہد تک، ہم انٹرنیٹ آزادی کے طلائی دور میں داخل ہوگئے ہیں۔ |
6 | Dahil sa mga pangyayaring ito, nagtipon-tipon ang ilang pangkat upang pasinayaan ang Deklarasyon ng Kalayaan ng Internet [en], kung saan ang Global Voices Advocacy ay bahagi ng mga naunang lumagda. | ان باتوں کو مد نظر رکھتے ہوئے کچھ دن پہلے بہت سے مختلف گروپ اکھٹے ہوئے اور انہوں نے ایک آزادی کی قرارداد قلم بند کی جس پر Global Voices Advocacy دستخط کرنے والے شروعاتی گروپوں میں سے تھا . |
7 | Sa kasalukuyan, higit sa 1300 mga organisasyon at kompanya ang pumirma na sa naturang kasunduan at patuloy na nadadagdagan ang kanilang bilang. | ابھی تک اس قرار داد پر ١٣٠٠ سے زائد گروپوں اور کمپنیوں نے دستخط کر دیے ہیں اور یہ تعداد روز بروز بڑھتی جا رہی ہے. |
8 | Maaari ka ring lumagda sa Deklarasyon sa pahinang ito [en]; maaari mo rin itong ipalaganap sa tulong ng iba't ibang organisasyon, gaya ng sa EFF [en], Access [en], at kahit sa Cheezburger [en]. | نیچے اس قرار داد کا متن موجود ہے اور آپ اس پر اپنا دستخط بھی کر سکتے ہیں. آپ اس قرارداد پر بہت سے گروپوں کے ساتھ سرگرم عمل بھی ہوسکتے ہیں۔ |
9 | Naniniwala kami na lilikha ng mas mabuting mundo ang isang malaya at bukas na Internet. | مثلاً، ایی ایی ایف ( EFF)، آزاد ابلاغ ( Free Press)، ایکسیس (Access)، اور حتیٰ کہ چیز برگر (Cheezburger)۔ |
10 | | ہم یقین رکھتے ہیں کے آزاد اور خودمختار انٹرنیٹ سے ایک بہتر دنیا وجود میں آئے گی. |
11 | Upang mapanatiling malaya at bukas ang Internet, nananawagan kami sa mga pamayanan, mga industriya, at mga bansa na kilalanin ang mga prinsipyong ito. | انٹرنیٹ کو آزاد رکھنے کے لئے ہم دعوت دیتے ہیں ایسے تمام اداروں، ممالک اور صنعتوں کو جو ہمارے اصولوں پر اعتبار رکھتے ہوں. |
12 | Naniniwala kami na magdudulot ang mga ito ng higit na pagkamalikhain, ng higit na inobasyon, at ng mas malayang lipunan. | ہمارا یہ بھی ماننا ہے کہ ان اقدامات سے معاشرے میں آزادی، نئے خیالات کی تخلیق ، اور تجدید فکر کو راہیں ہموار کرنے میں مدد ملے گی۔ |
13 | Kami ay nakikibahagi sa pandaigdigang kilusan na ipinagtatanggol ang ating mga kalayaan dahil naniniwala kaming karapat-dapat silang ipaglaban. | ہم آزادی کی اس بین الاقوامی تحریک میں اس لیے شامل ہیں کیونکہ ہمارے خیال میں یہ جنگ لڑنا ضروری ہے۔۔ |
14 | Pag-usapan natin ang mga prinsipyong ito - sumang-ayon o sumalungat, makidebate, isalin, angkinin at palawakin ang diskusyon sa inyong pamayanan - sa paraang ang Internet lamang ang makakagawa. | آئیں ہم ان اصولوں پر بات کریں جاری رکھتے ہیں - چاہے آپ اختلاف کریں یا اتفاق ، ان اصولوں پر بحث کریں، ترجمہ کریں، ان کو اپنا بنائیں، اور اپنے سماج میں اس کو عام کریں۔ |
15 | Samahan kaming mapanatiling malaya at bukas ang Internet. | انٹرنیٹ کو آزاد رکھنے میں ہمارا ساتھ دیجیے۔ |
16 | Naninindigan kami sa malaya at bukas na Internet. | ہم ایک آزادی انٹرنیٹ کے طرف دار ہیں۔ |
17 | Kinakatigan namin ang mga prosesong bukas at sumasaklaw sa lahat, tungo sa paggawa ng polisiya sa Internet at tungo sa pagtatatag ng limang pangunahing prinsipyo: | ہم شراکتی اور شفاف عمل کے ذریعے انٹرنیٹ پالیسی بنانے کی اور مندرجہ ذیل پانچ بنیادی اصولوں کی حمایت کرتے ہیں: |
18 | Pagpapahayag: Huwag harangan ang Internet. | اظہارِ رائے: انٹرنیٹ پر پابندی نہ لگائیں۔ |
19 | Pagkonekta: Itaguyod ang mabilis at abot-kayang koneksyon para sa lahat. | رسائی: انٹرنیٹ کی تیز اور سستی رسائی سب کیلئے مکمن بنائیں |
20 | Pagiging Bukas: Panatilihing bukas ang Internet kung saan malayang nakakapag-ugnay, nakakapag-usap, nakakapagsulat, nakakapanood, nakakapagsalita, nakakapakinig, nakakapag-aral, nakakagawa at nakakalikha ang lahat ng tao. | آزادی: انٹرنیٹ پر تعلق بنانے، اطلاعات کی رسائی، لکھنے، پڑھنے، دیکھنے، بولنے، سننے، علم حاصل کرنے، تخلیق کرنے اور نئے خیالات پیدا کرنے کی آزادی سب کے لیے یکساں ہونی چاہیے۔ |
21 | Pagiging Inobatibo: Ipagtanggol ang kalayaang lumikha at gumawa nang walang permisong kinakailangan. | تجدید فکر: بلا اجازت نئے خیالات تخلیق کرنے کی آزادی ہونی چاہیے۔ |
22 | Huwag pigilan ang mga bagong teknolohiya, at hindi dapat parusahan ang mga lumilikha ng inobasyon dahil sa kabaluktutan ng mga gumagamit dito. | نئی ٹیکنالوجی پر پابندی لگانے کی کوئی ضرورت نہیں، اور اگر کوئی انٹرنیٹ صارف موجد کی تخلیق کا غلط استعمال کرے تو اس کی سزا موجد کو نہ دو۔ |
23 | Pagiging Pribado: Pangalagaan ang pagiging pribado at ipagtanggol ang kakayahan ng lahat na magpasiya kung paano gagamitin ang sariling datos at mga aparato. | پرائیویسی: پرائیویسی کا خیال رکھو اور لوگوں کو اپنی ذاتی معلومات کنٹرول کرنے کا مکمل اختیار دو۔ |